Pumunta sa nilalaman

Talaan ng mga pista sa Pilipinas: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
Billie bb (usapan | ambag)
No edit summary
Linya 153: Linya 153:
==Mga sanggunian==
==Mga sanggunian==
{{reflist}}
{{reflist}}

[[Kategorya:Mga pista sa Pilipinas]]

Pagbabago noong 15:14, 6 Hulyo 2024

Ang mga pista sa Pilipinas ang sumasagisag sa mga pinahahalagahan ng mga Pilipino katulad ng pagkakaibigan, kabanalan sa relihiyon at pagsasaya.[1]

Mga pista sa Pilipinas

Enero

Pista Kailan idinaraos Lugar kung saan idinaraos Tema ng pagdiriwang
Pista ng Itim na Nazareno [2] Enero 9 Quiapo, Maynila Upang ipagdiwang ang isang daang taong gulang na rebulto ng Itim na Nazareno
Pista ng Sinulog [2] Enero 15 o tuwing ikalawang Linggo ng Enero Lungsod ng Cebu
Pista ng Ati-atihan [2] Ikatlong Linggo ng Enero Kalibo, Aklan Ipinagdiriwang bilang parangal sa Sanggol na Hesus
Pista ng Dinagyang [2] Ikaapat na Linggo ng Enero Iloilo Ipinagdiriwang nito ang kapistahan ng Sanggol na Hesus at ang kasunduan sa pagitan ng mga Datu at ng mga lokal
Pista ng Kuyamis [2] Enero 6 - 11 Misamis Oriental Pagdiriwang ng pasasalamat at pagkilala sa mga kaugalian ng mga lumad na naninirahan sa Misamis
Pista ng Diyandi [2] Ikatlong Lunes ng Enero Balingasag, Misamis Oriental Ipinagdiriwang ang kultura at pamana ng mga tribu ng Higaonon ng Balingasag
Pista ng Pasalamat [2] Ikatlong Linggo ng Enero Lungsod ng Pagadian Ipinagdiriwang bilang parangal kay Sr. Santo Nino at bilang paggunita sa pagdating ng imahen ng santo sa Pilipinas at sa Lungsod ng Pagadian.
Pista ng Tsinoy [2] Enero 26 Lungsod ng Legazpi Pagdiriwang ng bagong taon ng mga Tsinoy

Pebrero

Pista Kailan idinaraos Lugar kung saan idinaraos Tema ng pagdiriwang
Paraw Regatta [3] Ikatlong Linggo ng Pebrero Kipot sa pagitan ng Lungsod ng Iloilo at isla ng Guimaras
Pista ng Taytay Hamaka [3] Pebrero 10 - 16 Taytay, Rizal Ipinapakita ang pagkamasining, pagkamalikhain at iba't ibang talento ng mga taga-Taytay
Pista ng International Bamboo Organ [3] Pebrero 20 - 27 Las Piñas Kaganapang pangkultura na nakatuon sa natatanging organo na gawa sa kawayan
Pista ng mga Bulaklak ng Baguio [3] Pebrero Lungsod ng Baguio Itinampok ang parada ng mga float na yari sa mga sariwang bulaklak
Pista ng Ollalion [3] Pebrero 14 Tabuk, Kalinga Ipinagdiriwang ang kultura ng mga Kalinga
Pista ng Babaylanes [3] Pebrero 19 Lungsod ng Bago, Negros Occidental Itinatampok ang kultura ng mga unang nanirahan sa Bago City bago dumating ang mga mananakop na Kastila
Pista ng Kalilangan [3] Pebrero 20 - 27 Lungsod ng Heneral Santos, South Cotabato
Pista ng Mahaguyog [3] Pebrero 27 - Marso 7 Sto. Tomas, Batangas Ipinagdiriwang bilang pasasalamat ng mga magsasaka kay Santo Tomas ng Aquinas para sa masaganang ani
Pista ng mga Pagkaing dagat [3] Pebrero Taguilon, Lungsod ng Dapitan Ipinagdiriwang upang buhayin muli ang interes at mapanatili ang tradisyonal na mga pagkain na ang pangunahing sangkap ay ang kagang
National Arts Month: Bikol Arts Festival (NAM:BAF) [3] Pebrero 1 - 28 Lungsod ng Legazpi Ipinapakita ang kultura at sining ng rehiyon at ang mga likhang sining at agro-industrial na produkto ng iba't ibang lalawigan at lungsod ng rehiyon
Pista ng Cagsawa [3] Pebrero 1 - 28 Daraga, Albay Bilang paggunita sa pagsabog ng Bulkang Mayon noong 1814 na nagbaon sa simbahan ng Cagsawa at daan-daang tao
Pista ng Patunob [3] Pebrero 9 Binuangan, Misamis Oriental Pagdiriwang na pangrelihiyon kung saan ay dinadagsa ng mga deboto ang dambana ng Birhen sa Lourdes upang magsindi ng kandila, magpanibagong panata, at humingi ng mga petisyon at pagpapala
Pista ng Tinagba [3] Pebrero 11 Lungsod ng Iriga, Camarines Sur Tradisyon ng pag-aalay ng unang ani na kasabay ng kapistahan ng Our Lady of Lourdes
Karanowan Fish-Tival [3] Pebrero 15 Bato, Camarines Sur Ipinagdiriwang ang kagandahan at kasaganahan ng Bato
Pista ng Sibug-Sibug at Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Probinsiya ng Zamboanga Sibugay [3] Pebrero 18 - 25 Zamboanga Sibugay Bilang paggunita sa araw ng pagkakatatag ng Zamboanga Sibugay bilang isang Lalawigan
Sunggod Ta KaManga [3] Pebrero 18 - 19 Doña Ressing Park, Quezon, Bukidnon Ipinagdiriwang ang kultura ng mga Manobo
Pista ng Nangkaan [3] Pebrero 27 Maigo , Lanao del Norte Ipinagdiriwang ang kasaganaan ng Lanao sa Munisipyo ng Maigo
Festival of Lights Tangub City Charter Day [3] Pebrero 29 Lungsod ng Tangub

Mga sanggunian

  1. "The Barrio Fiesta in the Philippines". Philippine Centre. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2023-09-25. Nakuha noong 2024-07-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 2.7 "Calendar of Philippine Festivals and Monthly Observances / Theme - January". Tourism Promotions Board Philippines. Nakuha noong 2024-07-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  3. 3.00 3.01 3.02 3.03 3.04 3.05 3.06 3.07 3.08 3.09 3.10 3.11 3.12 3.13 3.14 3.15 3.16 3.17 "Calendar of Philippine Festivals and Monthly Observances / Theme - February". Tourism Promotions Board Philippines. Nakuha noong 2024-07-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)