Pumunta sa nilalaman

Usapang tagagamit:Jojit fb

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kausapin si Jojit


A barnstar for you!

100,000 edits
Awarded to Jojit fb up 100,000 edits to Tagalog Wikipedia! Your edits are much appreciated! Well done! - 112.202.96.78 02:13, 30 Mayo 2024 (UTC)[sumagot]
Thanks. Maraming salamat. --Jojit (usapan) 03:59, 30 Mayo 2024 (UTC)[sumagot]

Patulong sa paglipat

Magandang gabi.

Gusto ko po sanang ilipat yung pahina ng lingguwistika papunta sa lingwistika (mas ginagamit sa mga naka-Tagalog na pahina sa internet, ayon sa research ko), pero nagkakaproblema po ako dito. Hindi ako sigurado kung paano ko ito ililipat, since may "lingwistika" na pahina kaya nagkaproblema. Sinubukan kong tanggalin yung redirect doon, pero ganon pa rin.

Salamat po sa tulong.

GinawaSaHapon (usap tayo!) 13:00, 1 Hunyo 2024 (UTC)[sumagot]

Paumanhin @GinawaSaHapon:, subalit mas tama ang "lingguwistika" kasi sa ortograpiyang Tagalog/Filipino "kung ano ang bigkas ay siyang baybay". Wala pa din akong nakikitang diksyunaryo na ang baybay ay "lingwistika". At sa tingin ko na mas popular ang "lingguwistika" at ito ang ginamit mismo ng dokumento ng Komisyon sa Wikang Pilipino tungkol sa Ortograpiyang Filipino. Gayon din ng sa isang dokumentong naka-upload sa Kagawaran ng Edukasyon. Kung tingin mo na karaniwan pa rin ang "lingwistika", ihain mo na lamang sa Kapihan para magkaroon ng konsenso. Kung anuman ang mapagkasunduan, susunod ako at ililipat ang dapat na ilipat. Salamat. --Jojit (usapan) 14:40, 1 Hunyo 2024 (UTC)[sumagot]
Sige, hindi ko na masyadong iaargumento pa ito. Okey naman ako sa kahit ano e.
GinawaSaHapon (usap tayo!) 00:46, 2 Hunyo 2024 (UTC)[sumagot]

Kamusta, Sir @Jojit fb..... Mangyaring tanggalin ang mga pahina sa pag-redirect Tagagamit:SahilgKhan3 kasi nilalaman ay. Maraming salamat...... 2001:448A:1021:28B1:4935:FF5:CDF9:2764 09:44, 4 Hunyo 2024 (UTC)[sumagot]

Y Tapos na. --Jojit (usapan) 10:32, 4 Hunyo 2024 (UTC)[sumagot]

Edit warring si 49.144.10.114

Pakiharang po ng IP address 49.144.10.114 dahil binababoy yung mga pahina nina Vicarius Filii Dei. Hindi po sila pasok sa notability ng Wikipedia. Rinerevert ni 49.144.10.114 yung paglagay ko ng nilalaman. Base na rin po sa ambag, mukhang may WP:NPOV rin po ito.

Maraming salamat po. - 124.217.58.254 01:00, 30 Hunyo 2024 (UTC)[sumagot]

Y Tapos na. Nakaprotekta na rin ang pahina. Salamat sa pag-ulat. --Jojit (usapan) 02:29, 30 Hunyo 2024 (UTC)[sumagot]

Palikha ng bagong kategorya

Sinubukan na magdagdag ng dalawang kategorya dahil ito ay hindi pinayagan gawa ng edit filter. Gusto ko po sanang palikha yung kategorya ng tungkol sa kompyuter. Maraming salamat. - 124.217.51.239 03:51, 5 Hulyo 2024 (UTC)[sumagot]

Subukan mo uli. Puwede ka nang maglikha ng kategorya pero 'yung isa mong kategorya (Kategorya:Mga file sa kompyuter) ay walang laman. Kung hindi mo agad malagyan ang kategoryang iyan, mabubura iyan. --Jojit (usapan) 05:28, 6 Hulyo 2024 (UTC)[sumagot]

Bandalismo

Magandang araw po, Jojit fb. Paharang po si ‎112.198.121.161 dahil sa bandalismo at pang-ii-spam sa mga pahina. Kayo na po ang bahala kung gaano katagal. Salamat po. GinawaSaHapon (usap tayo!) 07:03, 5 Hulyo 2024 (UTC)[sumagot]

Pabago-bago pala IP po nila. Kamakailan po ay nanira sila sa mga pahina ng Meta Platforms at WhatsApp. Ito po yung isa niyang IP: ‎112.198.113.21. Pare-pareho po ang edit message niya. GinawaSaHapon (usap tayo!) 07:07, 5 Hulyo 2024 (UTC)[sumagot]