Pagsusulat
Ang pagsusulat ay isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na tagapamagitan sa pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag (kilala bilang sistema ng pagsulat). Iniiba ito sa larawang-guhit, katulad ng mga larawang-guhit sa yungib at pinta, at ang pagtatala ng wika sa pamamagitan ng hindi-tekstuwal na tagapamagitan katulad ng magnetikong teyp na awdyo.
![](http://178.128.105.246/host-http-upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/4/49/Medieval_writing_desk.jpg/250px-Medieval_writing_desk.jpg)
Ang pagsusulat ay maaaring nagsimula bilang isang kinahinatnan ng pagpapalaganap na pampolitika ng sinaunang mga kultura, na nangailangan ng maaasahang pamamaraan ng pagpapakalat ng kabatiran o impormasyon, pagpapanatili ng mga kuwentang pampananalapi, pagpapanatili ng mga pangkasaysayang mga pagtatala, at kahalintulad na mga gawain. Noong bandang ika-4 na milenyo BK, ang kasalimuotan ng kalakalan at pangangasiwa sa Mesopotamia ay humigit pa at lumampas sa memorya o alaala ng tao, at ang pagsusulat ay naging isang mas maaasahan o masasalalayang paraan ng pagtatala o pagrerekord at paghaharap ng mga transaksiyon na nasa isang anyong permanente o pamalagian.[1] Sa kapwa Sinaunang Ehipto at Mesoamerika, ang pagsusulat ay maaaring nagsimula at umunlad sa pamamagitan ng mga pangkalendaryong pagbibilang o pagtutuos (kalendriko) at isang pangangailangang pampolitika para sa pagtatala ng mga kaganapang pangkasaysayan at pangkapaligiran. Ang pinakamatandang nalalamang paggamit ng pagsusulat sa Tsina ay ang sa dibinasyon o panghuhula sa loob ng royal na korte.
Tingnan din
Mga sanggunian
- ↑ Robinson, 2003, p. 36