Hindi bababa sa 11 ang namatay sa isang sunog sa isang gusaling residensyal-komersyal sa Binondo, Maynila, Pilipinas.
Nagdeklera ang pamahalaang panlalawigan ng Kabite sa Pilipinas ng "estado ng kalamidad" pagkatapos umabot ang pagtagas ng langis mula sa lumubog na barkong MT Terra Nova sa mga baybayin ng walong bayan, na nangangailangan ng implementasyon ng isang sonang walang-huli at ayuda na ibibigay sa mga tinatayang naapektuhang 25,000 mangingisda.
Naaresto si Freddy Superlano, ang nangungunang personalidad sa koalisyon ng oposisyon sa Venezuela habang tumaas sa apat ang namatay mula sa protestang kontra-Maduro.
Tinalo ni Novak Djokovic si Carlos Alcaraz sa katupusan ng isahang Kalalakihan (Men's singles) upang mapanalunan ang gintong medalyang Olimpiko, na naging ikatlong manlalarong lalaki na matamo ang isang isahang o singles na Career Golden Slam (Karera ng Ginuntuang Pagkakampeon). (BBC News)
Nanalo sina Sara Errani at Jasmine Paolini ng gintong medalya sa torneong dalawahang Kababaihan (Women's doubles), na umani sa Italya sa una nitong gintong medalya sa isport na tenis at ginagawa si Errani na pinakamatandang manlalaro ng tenis na natamo ang Career Golden Slam. (CNA)
Pilipinas sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2024
Pinanalunan ni himnasta na si Carlos Yulo ang kanyang ikalawang medalya para sa luksong Kalalakihan (Men's vault) na unang Pilipinong nakakuha ng dalawang medalya mula noong lumahok ang Pilipinas sa Palarong Olimpiko noong 1924.(BBC)
Nangyari ang mga kaguluhan sa Sunderland, Inglatera, Reyno Unido, habang daan-daang makakanan na nagpoprotesta ang sinubok magmartsa sa isang moske at sinagupa ang mga pulis sa sentro ng lungsod. Sinunog ang isang istasyon ng pulis ng mga nanggulo. (BBC News)
Pagsensura sa Turkiya
Hinarang ng Turkiya ang pagpasok sa internet ng Instagram, kasunod ng mga kumento na ginawa ng direktor ng komumikasyong Turko na si Fahrettin Altun na kinondena ang Meta Platforms sa pagtanggal ng mga paskil ng Instagram na nag-aalok ng pakikiramay o nagpapahayag ng pighati sa pinaslang na pinunong pampolitika ng Hamas na si Ismail Haniyeh. (Reuters)
Nagdeklera ang pamahalaang panlalawigan ng Kabite sa Pilipinas ng "estado ng kalamidad" pagkatapos umabot ang pagtagas ng langis mula sa lumubog na barkong MT Terra Nova sa mga baybayin ng walong bayan, na nangangailangan ng implementasyon ng isang sonang walang-huli at ayuda na ibibigay sa mga tinatayang naapektuhang 25,000 mangingisda. (GMA Network)
Natuklasan ang barkong panlangis na Mirola 1 na sumadsad sa lupa malapit sa baybayin ng Bataan, na naging ikatlong sasakyang pandagat na nagdulot ng pagtagas sa lupa sa Look ng Maynila noong nakaraang linggo. (GMA Network)
Nagdulot ang malakas na unos at hangin sa silangang Nebraska, Estados Unidos ng matinding pagkawasak, na nagkaroon ng malawakang pagkawala ng kuryente sa Lincoln at Omaha, ang dalawang pinakamalaking lungsod ng estado. (The New York Times)
Isa ang namatay at hindi bababa sa 40 ang nasugatan nang gumuho ang tolda sa retirong (retreat) Budista sa Busby, Alberta, Canada. (CBC News)
Wikinews
Maari lang po na bisitahin din ang Wikinews upang bumasa at sumulat ng mga artikulong pambalita.